Itinigil muna ng Pilipinas ang pag-import ng karneng baka mula sa Brazil dahil sa pangamba sa negatibong epekto nito sa kalusugan.
Kasunod na rin ito ng pag-ban ng Amerika sa fresh Brazilian beef nang bumagsak sa safety check ang malaking porsyento ng shipments nito.
Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, lilipad pa-Brazil ang food safety team ng Pilipinas sa July 26 para inspeksyunin ang mga pasilidad at meat exporters.
Hindi aniya dapat makumpromiso ang kalusugan ng mga Pilipino kayat kailangang matiyak na ligtas ang mga aangkating karne partikular ng karneng baka.
Anim na porsyento ng mga ini-import na karne ng Pilipinas ay nagmumula sa Brazil na itinuturing na top exporter ng beef at poultry.
By Judith Larino
Pag-import ng karneng baka mula Brazil itinigil ng Pilipinas was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882