Ipinagpaliban ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang paghuli sa mga kolorum na units ng Grab at Uber.
Sa Miyerkules, July 26, nakatakda sanang simulan ang paghuli sa mga units ng Grab at Uber na CPC o Certificate of Public Convenience o Provisional Authority.
Inihayag ito ni Atty. Aileen Lizada, Board Member at Spokesperson ng LTFRB makaraang maghain ng magkahiwalay na motion for reconsideration ang Grab at Uber.
Ayon kay Lizada, nais muna nilang resolbahin ang MR ng dalawang TNC o Transport Network Companies bago ipatupad ang LTFRB order na hulihin ang lahat ng kolorum na Grab at Uber.
Matatandaan na natuklasan ng LTFRB na mahigit sa lilmampung libong (50,000) units ng Grab at Uber ang namamasada nang walang permit mula sa LTFRB.
By Len Aguirre
Paghuli sa mga kolorum na Grab at Uber ipinagpaliban was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882