Kumbinsido rin si Senate Minority Leader Kiko Pangilinan na papaboran ng mayorya ng mga mambabatas ang hirit na martial law extension ng Malakanyang dahil kontrolado naman ng administrasyon ang Kamara de Representantes.
Iginiit ni Pangilinan na numbers game lamang ang mangyayari sa botohan.
Ayon kay Pangilinan, hindi dapat puwersahin at kontrolin ang debate dahil tiyak na mananalo sa botohan ang inihihirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapalawig sa umiiral na batas militar sa Mindanao.
Mahalaga anyang marinig ng publiko ang mga talakayan at pananaw sa naturang usapin.
Umaasa anya sila na maipaliwanag ng husto ang batayan ng inihihirit na extension at ang mga hinahangad na matamo sa panahon na patuloy na paiiralin ang batas militar.
By: Drew Nacino / Cely Bueno
Sen. Pangilinan kumbinsido rin na lulusot ang ML extension sa Mindanao was last modified: July 22nd, 2017 by DWIZ 882