Balik trabaho na ang mga Senador sa Lunes matapos ang halos dalawang buwang bakasyon.
Ito ang second regular session ng 17th Congress kung saan ayon kay Senate President Koko Pimentel ay nakahanda na ang mga Senador na magtrabaho para makatulong sa pagtugon sa malalaking problema ng bansa.
Ayon kay Pimentel, pangunahin sa bibigyan nila ng prayoridad ang comprehensive tax reform package at panukalang Pederalismo o Federal form of Government.
Tututukan din anya ng mataas na kapulungan ng Kongreso ang 13 panukalang batas na inendorso ni NEDA Secretary-General Ernesto Pernia bilang Chairman ng Legislative Exec Dev Advisory Council.
By: Drew Nacino / Cely Bueno
Mga Senador balik trabaho na sa Lunes was last modified: July 22nd, 2017 by DWIZ 882