Hinimok ng Malakanyang ang mga Human Rights Group sa Amerika na magtungo sa Pilipinas para personal na makita at patunayan kung may batayan ang akusasyon na mayroong human rights calamity sa bansa.
Sa harap na rin ito ng imbestigasyon ng U.S. Congress sa umano’y mga paglabag sa karapatang pantao sa bansa kaugnay sa kampanya kontra iligal na droga.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, welcome ang grupo na bumisita sa bansa para sila na mismo ang magpatunay na walang batayan ang kanilang mga bintang sa gobyerno.
Pero iginiit naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na walang ibang makapagsasabi sa tunay na sitwasyon sa Pilipinas kundi ang mismong mga Pilipino.
Hindi aniya ang mga dayuhan ang dapat na magbigay ng opinyon kung ano ang nangyayari sa bansa dahil wala naman sila sa Pilipinas.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping
Mga US Human Rights Group hinimok na magtungo sa Pilipinas was last modified: July 22nd, 2017 by DWIZ 882