Pinayuhan ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag ang publiko na huwag awayin o makipagdiskusyon sa mga pasaway na naninigarilyo tulad ng mga driver sa mga pampublikong jeep.
Sinabi sa DWIZ ni Tayag na sa halip makipagtalo o kaya ay kunan ng video ang mga pasaway na sunog baga ay kunin na lamang ang Plate Number ng kanilang sasakyan at ruta at ireport sa mga lokal na pamahalaan.
Hindi gugustuhin ng DOH na mapahamak ang publiko lalo na kung ang sasawayin ay mga pilosopo at mga mahilig makipag-away.
Sinabi pa ng opisyal na umaasa silang magtagumpay ang kampanya lalo na kung makikipagtulungan ang mamamayan lalo na ang mga may adbokasiya laban sa paninigarilyo.
By: Aileen Taliping
DOH pinayuhan ang publiko na huwag makipag diskusyon sa mga pasaway na naninigarilyo was last modified: July 23rd, 2017 by DWIZ 882