Magdadala ng effigy ang mga militanteng grupo sa kanilang ilalargang kilos protesta kasabay ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.
Ngunit hindi naman tinukoy ng grupo kung ito ay susunugin tulad ng kanilang nakagawian.
Ayon kay BAYAN Secretary General Renato Reyes Jr., malayong malayo ang magiging scenario mamaya kumpara noong unang SONA ni Pangulong Duterte.
Aniya, ang malawakang kilos protesta ay bilang pagpapakita ng kanilang pagkadismaya at pagtutol sa pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.
Tinukoy ni Reyes na maraming pangako ang Pangulo na hindi natupad tulad ng pagkakaroon ng independent foreign policy, malawakang human rights violation, pag-abandona sa usapang pangkapayaan sa NDFP at iba pa.
Sinabi naman ni dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na ilalarga nila ang totong kilos protesta laban sa Duterte administration.
Ex-President Aquino
Samantala, hindi dadalo si dating Pangulong Noynoy Aquino sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.
Ayon kay Aquino, mas pipiliin niyang panoorin na lamang sa telebisyon ang SONA upang mas madali itong maintindihan.
Aniya, kapag sa Kongreso kasi ay posibleng may mga distraction sa kanyang pakikinig.
Matatandaang hindi rin dumalo si Aquino sa unang SONA ni Pangulong Duterte sa kabila ng tradisyon kung saan iniimbitihan ang mga dating Pangulo sa SONA ng incumbent president.
By Rianne Briones
Kilos protesta bilang salubong sa SONA lumarga na was last modified: July 24th, 2017 by DWIZ 882