Asahan ang maulang panahon ngayong araw dulot ng Low Pressure Area o LPA sa bahagi ng Eastern Visayas.
Ayon sa PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, huling namataan ang naturang sama ng panahon sa layong apatnaraang pitumpung (470) kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Inaasahang lalakas pa ang naturang LPA at magiging ganap na bagyo ngunit malabo naman aniyang tumama sa kalupaan ng anumang bahagi ng Pilipinas.
Samantala, nakakaapekto naman sa western section ng bansa kasama ang Metro Manila ang hanging habagat na magdadala rin ng mga pag-ulan.
By Ralph Obina
LPA magdadala ng mga pag-ulan ngayong araw was last modified: July 24th, 2017 by DWIZ 882