Nagpahiwatig si Presidential Communications Secretary Martin Andanar na masisiyahan ang mga environmentalist sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Andanar, dapat abangan ang mga isyung ilalatag ng Pangulo na may kinalaman sa kalikasan.
Gayunman, hindi na idinetalye pa ng kalihim kung anong partikular na isyung pangkalikasan ang kasama sa SONA ng Pangulo.
Una rito, inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na posibleng tumagal ng siyamnapung (90) minuto ang ulat sa bayan mamaya ng Pangulo.
By Ralph Obina
Mga environmentalist masisiyahan sa SONA ng Pangulo was last modified: July 24th, 2017 by DWIZ 882