Naghigpit na ng seguridad sa paligid ng Batasan Complex para sa pagbubukas ng sesyon ng 17th Congress at isasagawang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.
Sa labas pa lamang ng Batasan ay nakakalat na ang mga tauhan ng Philippine National Police o PNP.
Habang dadaan naman sa x-ray machine ang mga dalang bags ng mga papasok sa north wing entrance ng Batasan.
Ayon kay House Sergeant at Arms Lt/General Ronald Detabali, marami silang ginagawang inspeksyon sa mga pumapasok sa Batasan, sa mga dalang gamit o equipments at maging sa mga pagkain.
Samantala, dalawang entablado ang inilagay sa labas ng Batasan.
Ang isa ay para sa mga militanteng grupo na nakapuwesto sa tapat ng Batasan Elementary School habang ang entabladong nilagay sa tapat naman ng DSWD o Department of Socila Welfare and Development ay para sa mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Personal ding nagsagawa ng inspeksyon sa labas ng batasan si PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa para tiyakin ang seguridad sa lugar.
By Krista de Dios | ulat ni Jonathan Andal (Patrol 31)
Photo Credit: DWIZ reporters