Suportado ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang usapang pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic – Front (CPP-NPA-NDF).
Ayon kay Dela Rosa, umaasa siyang natuto na ang pamalaan na niloloko lamang sila ng mga rebeldeng grupo at ginagamit lamang ng mga ito ang peace talks para magpalakas at mag-recruit ng mga miyembro.
Iginiit pa ni Dela Rosa, bagama’t nais niya rin ng tunay na kapayapaan at nanghihinayang ay kanyang nakikita na wala namang nangyayari at hindi umuusad ang pag-uusap ng magkabilang panig.
Kasabay nito, pinayuhan din niya ang mga pulis na magdoble ingat dahil ilang ulit na rin ang mga insidente ng pang-aambush ng mga miyembro ng NPA na ikinasawi ng ilang tropa ng pamahalaan.
Tiniyak rin ni Dela Rosa, na nakahanda silang harapin ang rebelde at may mga nakalatag na siyang istratehiya laban sa mga ito.
- Krista De Dios