Tinatayang nasa dalawampu’t anim (26) katao ang patay sa car bombing sa Pakistan.
Nangyari ang pagsabog sa tindahan ng mga gulay sa lungsod ng Lahore na nagresulta din sa pagkasugat ng mahigit limampu (50) katao.
Ayon sa ulat, sakay ng motorsiklo ang suicide bomber kung saan ang target ay ang mga pulis sa lugar na kabilang din sa mga nasawi.
Hinihinala namang ang Pakistani Taliban ang nasa likod ng naturang pag-atake.
By Ralph Obina
*Reuters Photo