Binalaan ng United Kingdom ang mga mamamayan nitong nasa Pilipinas na iwasang mag-biyahe sa western at central Mindanao maging sa Sulu area.
Ito ayon sa Foreign and Commonwealth Office ay kasunod na rin partikular nang patuloy na bakbakan ng militar at Maute group sa Marawi City.
Nakasaad sa travel advisory ng UK government ang pag-iwas din sa pagbiyahe ng kanilang nationals sa katimugang bahagi ng Cebu kasama ang munisipalidad ng Dalaguete at Badian bagamat hindi kabilang sa advisory ang Camiguin, Dinagat Siargao Islands.
Pinaalalahanan din ng UK government ang kanilang nationals hinggil sa pinalawig na deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao at maaaring magkasa rito ng curfew at checkpoint.
Binalaan din ang British nationals sa tumaas na kaso ng kidnapping ng mga dayuhan simula pa noong 2015.
By Judith Larino
UK naglabas ng travel advisory sa pagbiyahe sa Mindanao was last modified: July 26th, 2017 by DWIZ 882