Nagisa nang husto sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs si Justice Undersecretary Reynante Orceo.
Ito ay matapos na igiit ni Orceo na mag-isa niyang ginawa ang pag-downgrade sa kaso nina Senior Superintendent Marvin Marcos sa homicide mula murder kaugnay ng pagpatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Ayon kay Senator Franklin Drilon, hindi kapanipaniwala ang sinasabi ni Orceo na nagdesisyon siya mag-isa at taliwas sa opinyon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, ng NBI o National Bureau of Investigation at ng Senado.
Malakas aniya ang loob ni Orceo para gawin ang pag-downgrade sa kaso nang hindi man lang kinunsolta o tinanong ang kalihim.
Una rito, kapwa iginiit ng NBI at ng panel of prosecutors na dapat ay murder ang kasong isasampa laban kina Marcos at labing walong (18) iba pang pulis na sangkot sa pagpatay kay Espinosa, batay na rin sa kanilang nakalap na ebidensiya.
PAKINGGAN: Bahagi ng Pahayag ni Senator Franklin Drilon
- Krista De Dios | Story from Cely Bueno