Inanunsyo ng FDCP o Film Development Council of the Philippines na walang dayuhang pelikula na mapapanood mula Agosto 16 hanggang 22 sa lahat ng sinehan sa buong bansa.
Ayon kay Liza Diño, chairperson at executive director ng FDCP, ito’y upang bigyang daan ang isang linggong pagdiriwang ng tinaguriang PPP o Pista ng Pelikulang Pilipino.
Sinabi ni Diño na labing dalawang (12) magagandang pelikulang Pilipino ang masusing pinili ng mga premyadong director, screenwriter at aktres para maisali sa PPP.
Discounted ang bayad para sa mga estudyante na nasa P150.00 lamang dito sa Metro Manila, habang P100.00 sa mga lalawigan sa Luzon, Visayas at Mindanao.
May promo din silang 4 plus 1 ticket para sa PPP bilang pakikilahok na din sa pagdiriwang ng buwan ng wika sa Agosto.
- Meann Tanbio