Nanindigan ang grupong FORD o Friends of Rody Duterte na hindi sila binayaran matapos silang magtipon-tipon sa harapan ng Dagupan City Plaza noong Lunes ng hapon bilang suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalawang SONA o State of the Nation Address.
Iginiit ni Lyn Ang, provincial coordinator ng grupo, na ang kanilang samahan ay binubuo ng mga indibidwal na nagsama-sama noong panahon ng eleksyon para ikampanya hindi lamang sa lungsod ng Dagupan kundi sa buong Pangasinan si Pangulong Duterte.
Idinagdag pa ni Ang na isang get together lamang ang kanilang ginawa noong Lunes na balak sana nilang magtungo sa Maynila, subalit hindi lamang ito natuloy.
- Meann Tanbio