Binaligtad ni US President Donald Trump ang naunang kautusan ng kanyang sinundang si dating Pangulong Barack Obama.
Ito’y makaraang ipag-utos ni Trump na pagbawalan sa pagpasok ng mga transgender sa hukbong sandatahan ng kanilang bansa.
Sa kanyang inilabas na tweet, sinabi ng US President na ginawa ang nasabing pasya batay na rin sa kaniyang pakikipag-usap sa mga heneral at military experts ng Amerika.
Una nang nagpahiwatig si US Defense Secretary James Mattis na kanilang ide-delay ang pagpapatupad sa inilabas na desisyon ni Obama hinggil dito.
By Jaymark Dagala
Mga transgender pinagbawalan ni Trump na makapasok sa US military was last modified: July 27th, 2017 by DWIZ 882