Walang TRO o Temporary Restraining Order ang implementasyon ng Reproductive Health Law.
Tugon ito ni Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa Pangulong Rodrigo Duterte sa hirit niyang tanggalin ang TRO sa pagpapatupad ng RH Law.
Ayon kay Sereno, matapos nilang desisyunan ang partial constitutionality ng RH Law, hindi na sila naglabas ng TRO laban sa pagpapatupad nito.
Ang mayroong TRO aniya na inilabas ng second division ay laban lamang sa dalawang contraceptives, ang implanon at impanon NXT.
Mayroon rin anyang sunset provision ang desisyon ng second division kung saan awtomatikong matatanggal ang TRO sa sandaling maglabas ng sertipikasyon ang FDA o Food and Drug Administration na hindi nakakapaglaglag ng sanggol ang implanon at impanon NXT.
Una rito, sinabi ng Pangulo na problemado sila sa mga nabiling contraceptives ng Department of Health para sa implementasyon ng RH Law dahil nakatakda nang mag-expire sa susunod na taon ang mga ito.
By Len Aguirre
Implementasyon ng RH Law nilinaw na walang TRO was last modified: July 27th, 2017 by DWIZ 882