Muling haharap si Ilocos Norte Governor Imee Marcos kasama ang tinaguriang Ilocos 6 sa pagdinig ng Kamara kaugnay sa umano’y misuse of public funds sa excise fund ng lalawigan.
Tiniyak ito ni Marcos na nagsabing awang-awa siya sa anim na opisyal ng provincial government dahil sa trauma na idinulot sa mga ito matapos makulong sa Kamara.
Sinabi ni Marcos na handa naman siyang ibigay kung anuman ang mga dokumentong hingin ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa susunod na pagdinig sa Agosto 9 para matapos na aniya ang gusot.
- Judith Estarada – Larino