Gumulong na ang programa ng gobyernong magbigay ng anti-HIV drugs sa mga gay at transgender women.
Sa gitna na rin ito nang pagtaas ng bilang ng mga infected ng HIV sa bansa kung saan naitalaga ang itinuturing na record high.
Ayon kay Danvic Rosadino mula sa Love Yourself, isang LGBT group, na kabilang sa proyekto na kauna-unahang ini-o-offer sa Pilipinas ang pag inom ng daily pill na PrEP para sa dalawandaang HIV negative gay men at transgender women.
Ang study drug ay tatagal ng hanggang dalawang taon bilang bahagi na rin ng pagtatangka ng Pilipinas na putulin ang tumataas na kaso ng HIV na nagde-develop sa sakit na AIDS.
Batay sa data na ipinalabas ng DOH o Department of Health, naitala ang mahigit isanlibong bagong kaso ng HIV noong buwan ng Mayo na siyang pinakamataas na bilang sa isang buwan simula noong maitala ang unang kaso ng HIV noong 1984.
- Judith Estarada – Larino
Pamamahagi ng anti-HIV drugs sinimulan na ng gobyerno was last modified: July 28th, 2017 by DWIZ 882