Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang P34 na milyong pisong halaga ng puslit na imported sugar mula China at Singapore.
Ayon kay Customs Deputy Commissioner Jessie Dellosa, ang mga nasabing imported sugar ay sakay ng 24 na 40-footer container van na naka-consign sa Blue Chelsy and Real Top Enterprise.
Una nang idineklara ang mga naturang kargamento na naglalaman ng vacuum flusks, plastic tumblers, damit at iba pang gamit.
Natuklasan ang kargamento dahil kahina-hinala ang bigat nito gayung pawang plastic lamang ang laman ng mga van.
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)