Nakikipag-ugnayan na si US Ambassador to the Philipines Sung Kim sa ilang mga personalidad mula sa Pilipinas at Estados Unidos na may kaugnayan sa tatlong Balangiga bells na nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA.
Ito ay kasunod na rin ng kanilang pagnanais na makabuo ng solusyong kapwa pabor sa Pilipinas at Estados Unidos upang maibalik na sa bansa ang tatlong nasabing kampana.
Aniya, gaya ng pagpapahalaga ng mga Pilipino sa tatlong Balangiga bells ay ganun din sa mga beteranong Amerikano na kabilang sa mga lumusob sa Pilipinas noon.
Ang mga nasabing kampana ay kinuha ng mga Amerikanong sundalo sa simbahan ng Balangiga Eastern Samar noong 1900s bilang war trophies.
By Krista de Dios
US Embassy nangakong ibabalik ang Balangiga bells sa Pilipinas was last modified: July 28th, 2017 by DWIZ 882