Nasa kamay ng lehislatura ang kapangyarihan para sa pag-reorganisa sa gobyerno.
Ayon kay Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon, ang Kongreso ang may otoridad na lumikha o mag-abolish ng isang posisyon sa pamahalaan at wala ito sa kamay ng Pangulo o ng miyembro ng gabinete.
Kaugnay nito, sinabi ni Drilon na ang magiging sentro ng debate sa Rightsizing Bill ay kung ibibigay ba ng Kongreso sa Pangulo ang kapangyarihan na magsagawa ng reorganisasyon sa gobyerno.
Una rito, nagpahayag ng pangamba si Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa posibleng pagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo sa ilalim ng panukalang Rightsizing ng gobyerno.
- Meann Tanbio | Story from Cely Bueno