Pinalagan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang magkaroon muna ng clearance sa punong ehekutibo ang mga sundalo’t pulis bago dumalo sa imbestigasyon ng naturang anti-graft body.
Binigayang diin ni Morales na walang pakialam ang Pangulo lalo’t may kapangyarihan aniya ang Ombudsman na ipa-subpoena ang mga taong gobyerno kabilang ang mga pulis at sundalo.
Maliban dito, iginiit ni Morales na wala namang batas na nagtatakda na dapat magsabi muna ang mga pulis at sundalo sa kanilang Commander-in-Chief tungkol sa imbestigasyon.
Nanindigan ang Ombudsman na itutuloy niya ang pag-usig sa mga pulis at sundalo kapag may nakita silang basehan o reklamo.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales
Samantala, iginiit ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na hindi siya mag-iinhibit sa imbestigasyon ng Mamasapano Incident.
Ayon kay Morales, walang dahilan at hindi siya duwag para mag-inhibit. Binigyang diin pa nito na hindi siya nakikinig sa kung kanino man at kanya lamang pinagbabatayan ay mga ebidensya.
Matatandaang nais ng Volunteers Against and Crime Corruption o VACC na makasuhan si dating Pangulong Noynoy Aquino ng multiple homicide ngunit ang inirekomenda ng Ombudsman ay kasong graft at usurpation of authority na tinawag namang bugok ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ralph Obina