Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Goring kaninang alas-12:00 ng hatinggabi.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bahagya pang humina ang bagyo na huling namataan sa layong 1,045 kilometro hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 130 kilometro malapit sa gitna at may pabugsong aabot sa 160 kilometro kada oras.
Samantala, nananatili naman sa bansa ang Low Pressure Area na huling namataan sa layong 350 kilometro sa silangan hilagang silangan ng Tuguegarao City.
By Ralph Obina