Nanindigan ang Turkey na magtutuloy-tuloy ang kanilang crackdown laban sa Islamic State militants.
Ayon kay Turkish Prime Minister Ahmet Davutoglu, ang airstrikes ay bahagi aniya ng malawakang proseso ng pagbibigay ng hustisya sa 32 katao na nasawi sa paghahasik ng karahasan ng IS fighters.
Una rito, inulan ng batikos ang Turkish government dahil sa umano’y kawalang aksyon nito kontra IS sa kabila ng pagiging bahagi nito ng international coalition na lumalaban dito.
By Ralph Obina