Sampung batalyon ng PNP – SAF o Philippine National Police – Special Action Force ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na itapat sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA).
Kasunod ito ng naging pahayag ng Pangulo na isusunod ng gobyerno ang paglipol sa mga NPA dahil sa patuloy na pamemerwisyo sa publiko at sa mga tropa ng pamahalaan.
Ayon sa Pangulo, kasama ang PNP sa mga dadagdagan niya ng puwersa kaya’t iniutos na ang pag-recruit ng tinatayang 30,000 hanggang 40,000 mga sundalo at pulis.
Sinabi ng Presidente na kaya SAF ang gusto nitong ipang-tapat sa mga NPA ay sa dahilang sanay ang mga ito sa urban warfare at sa mga kabundukan.
Matindi aniya ang pinagdaraanang training ng Special Action Force kaya’t sila ang ipapantapat sa mga rebeldeng komunista.
- Aileen Taliping