Naitala ng defending champion Barangay Ginebra Gin Kings ang kanilang unang panalo sa 2017 PBA Governor’s Cup, isang linggo matapos matalo sa Meralco Bolts.
Sa pagkakataong ito ay ibinaling ng Ginebra ang kanilang galit sa GlobalPort Batang Pier na inilampaso ng Gin Kings sa score na 124-108 sa kanilang paghaharap sa Araneta Coliseum, kahapon.
Gumamit ang Ginebra ng triangle offense at nakatulong din sa kanilang pagkapanalo ang line up ng mga bigman na isinabak sa court sa pangunguna ng sentrong si Greg Slaughter, Japeth Aguilar, Joe Devance at Justine Brownlee kasama ang point guard na si LA Tenorio.
Nagpakawala ng 19 points at 8 rebounds si Slaughter sa loob ng 26 na minutong paglalaro.
Nasa ika-pitong pwesto ang Barangay Ginebra sa kartadang 1-1 habang nangunguna pa rin ang NLEX Road Warriors na mayroon ng apat na panalo at walang talo.
By Drew Nacino