Nanindigan si Environment Secretary Roy Cimatu na hindi niya tatanggalin ang ipinatupad na ban sa open pit mining noong Abril.
Sa isinagawang pulong balitaan kanina, sinabi ni Cimatu na rerepasuhin din ng binuong Inter-Agency Mining Council kung paano binubuwisan ang mga kumpaniya ng pagmimina sa bansa.
Magugunitang binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang SONA o State of the Nation Address ang mining companies na papatawan niya ng mas mataas na buwis kung hindi tatalima sa kaniyang naising magpatupad ng responsableng pagmimina.
Bagama’t pinalitan ni Cimatu si dating Secretary Gina Lopez na hindi kinumpirma ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA), tila ang mga nasimulan nitong polisiya ang nais pa ring umiral ng Pangulo sa nasabing kagawaran.