Kakaiba at ispesyal ang magiging huling SONA o State of the Nation Address ng Pangulong Noynoy Aquino sa Lunes.
Binigyang diin ito ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma at dahil ito na ang huling SONA ng Pangulo, ipapaunawa at ilalahad nila ang lahat ng mga nagawa sa loob ng 5 taon ng Aquino administration.
Sinabi ni Coloma na maging ang mga plano pa ng Pangulong Aquino sa nalalabing buwan ng kaniyang panunungkulan ay ihahayag din nito sa kaniyang huling SONA.
By Judith Larino