Nagpapatuloy ang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard o PCG sa tatlo pang nawawalang mangingisda sa karagatang sakop ng Plaridel at Oroquetta sa Misamis Occidental.
Kabilang sa mga hinahanap ay sina Aprnie Pasignajen, Russel Embalsado at Boboy Durian.
Lumalabas na nasiraan ng makina ang motorbanca ng mga mangingisda at inanod ang mga ito ng malakas na alon.
Nagawa pa ng isa sa mga ito na tawagan ang asawa ukol sa kanilang sinapit.
Samantal, inalerto na rin ng PCG ang mga mangingisda sa mga kalapit na lugar sakaling makita ang bangkang sinasakyan ng mga nawawalang biktima.
By Ralph Obina