Sisimulan na ng Simbahang Katolika ang pangangalap ng ebidensya kaugnay sa kinahaharap na kaso ni Msgr. Arnel Lagarejos matapos na tangkaing dalhin sa motel ang isang trese anyos na dalagita.
Ayon kay retired archbishop Oscar Cruz, instructor delegate ng Antipolo na mangunguna sa imbestigasyon sa kaso, nakatakda na nilang kausapin si Lagarejos para makuha ang panig nito.
Gayundin, kakausapin nila ang biktima para makakalap pa ng mga karagdagang impormasyon sa kaso.
Nilinaw naman ni Cruz na ang kanilang pagtutuunan ng pansin sa imbestigasyon ay ang pagiging pari ni Lagarejos at sariling problema na nito ang isinampang kasong kriminal laban dito.
Pagtitiyak pa ni Cruz, hindi makikialam at makikipag-alegro ang simbahan kaugnay ng kasong kinahaharap ni Lagarejos.