Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act ang negosyante at itinuturong Bigtime Drug Lord ng Visayas na si Peter Lim.
Kasunod ito ng isinagawang imbestigasyon ng CIDG o Criminal Investigation and Detection Group sa Region 7 hinggil sa reklamo kay Lim noon pang Hulyo 5.
Maliban kay lim, kinasuhan din ang iba pang mga hinihinalang drug lord tulad nila Rolan Kerwin Espinosa, Peter Co, Marcelo Adorco, Max Miro at Lovely Impal.
Kasunod nito, itinakda ang preliminary investigation ng DOJ o Department of Justice laban sa mga nabanggit sa Agosto 14 na pangungunahan nila Assistant State Prosecutors Aristotle Reyes at John Michael Humarang.
Una nang nagpalabas ng lookout bulletin ang Department of Justice sa mga nabanggit na personalidad.