Tila hindi pa rin matapus-tapos ang talamak na katiwalian sa loob ng Bureau of Customs (BOC).
Ito ang inihayag sa programang Karambola ng DWIZ ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chair Panfilo Lacson kasunod ng pamamayagpag pa rin ng 3:00 Habit sa loob ng Customs.
Ayon kay Lacson, kung susumahin aniya ang kabuuang nakokolekta kada linggo mula sa mga tara o payola, kaya na aniya nitong punuan ang budget deficit ng bansa sa loob ng dalawang taon.
Well open secret, alam naman natin diba? ‘Yung 3:00 habit diba? Sa kwenta, kasi marami naman tayong nakakausap na mga broker, eh ang range ng gastos nila para sa tara o payola, sabihin na nating parte-parte.
Nag a-average sila ng P27,000.00 to P30,000.00, ang average ng number of containers per day na pumapasok 10,000.
So, P27,000.00 times 10,000 that’s P270-M per day, payola ito ah? Kapag minultiply mo sa 365, that is P98.5-B, eh ang budget deficit natin for this year so far P147-B. So, dalawang taon lang pala wipe out na ‘yung budget deficit.
Nakasaad sa batas na bawal ang pagsasagawa ng ‘Consignee for Hire’ – Lacson
Nangako si Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Panfilo Lacson na siya mismo ang magsusulong ng panukalang batas na magpapabigat ng parusa sa mga kumpaniyang nagpapagamit bilang Consignee for Hire.
Kaugnay ito sa nabunyag sa ginawang pagdinig ng senado hinggil sa paggamit sa kumpaniyang EMT Trading upang maipuslit sa bansa ang 600 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.4-B.
Inihayag ni Lacson na malinaw na nakasaad sa batas na bawal ang pagsasagawa ng Consignee for Hire.
Yan nga pwedeng gawing legislation, na pwedeng bigyan ng karampatang criminal liability kung ikaw ay nagkukunwari lamang na, of course, pwedeng ipasok siguro sa pacification of public documents kasi kapag nag-aplay ka may iba pang pipila dyan eh.
Pero kung may kasabwat nga sa loob, ‘yun nga, kaya malayo pa sa dapat marating ‘yung investigation kasi kailangan malaman natin, sino ba ‘yung naglakad ng papeles nya for accreditation?
Magugunitang lumabas sa pagdinig ng senado kahapon na kaya nakalusot ang nasabing kontrabando ay dahil sa idinaan iyon sa green lane gayung kitang-kita naman na dapat idinaan iyon sa red lane.
Sa kanilang selectivity system, sa mga criteria ng mga indicator talagang hindi papasa ‘yun na nasa green lane kaagad.
Unang-una single comparator ship, pangalawa galing China, kasama rin sa criteria nila ‘yun, marami pa, mahaba ‘yung listahan ng mga criteria pero ‘yun ‘yung prominente na pagkagaling China, automatic red lane at pagkabago pa lamang automatic red lane pero ito nasa green lane.