Tutulungan ng mag-asawang George at Amal Clooney ang nasa 3,000 mga batang refugee mula Syria para makapag-aral.
Kung saan, nakipag-teamed up na ang Clooney Foundation for Justice sa pinakamalaking search engine company na Google at HP Incorporated upang makapapatayo ng mga paaralan ang UNICEF at Lebanese Ministry of Education na eksklusibo lamang sa mga batang Syrian refugee.
Sa pahayag ng Award Winning Actor na si George Clooney, iginiit nito na hindi dapat hayaang mawala ang isang buong henerasyon dahil lamang sa isinilang sila sa maling lugar at panahon.
Binigyang diin din ng mag-asawa na tanging ang pagbibigay ng edukasyon para sa mga kabataang Syrian ang makapagbabago sa kanilang kapalaran at maging produktibong bahagi ng komunidad.
Aabot na sa mahigit $3-M ang nai-donate ng Clooney Foundation habang ang kumpanyang Google at HP ang magkakaloob at magbabayad ng transportasyon, school supplies, computers at pagsasanay para sa mga guro ng paaralan.