Isa o dalawang alkalde sa Metro Manila ang nagkakanlong o protektor ng mga sangkot sa iligal na droga.
Ibinunyag ito ni NCRPO Director Oscar Albayalde matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa nasabing usapin.
Subalit sinabi ni Albayalde na walang direktang partisipasyon ang mga naturang alkalde sa operasyon tulad ng bentahan, produksyon o paggamit ng iligal na droga.
Ayon kay Albayalde mga konsehal at nasa Barangay level ang karamihan sa mga sangkot sa transaksyon ng iligal na droga.