Sumuko na bago pa maging sentro ng anti-drug operations.
Babala ito ng Malacañang matapos masawi sa operasyon ng mga awtoridad si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog, Sr. may bahay nitong si Susan, kapatid na si Octavio at 12 iba pa.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar iniimbestigahan na rin ang Chinese national na si Peter Lim na umano’y drug lord sa Visayas region at una nang nakipagkita sa Pangulong Duterte para linawing hindi siya drug lord.
Tiniyak ni Andanar ang sunud-sunod na operasyon ng mga awtoridad laban sa mga drug personalities lalo na yung kabilang sa narco-list ng Pangulo dahil seryoso aniya ang Duterte administration na malinis ang bansa mula sa iligal na droga.
Pabirong inihayag ni Andanar na mas mabuting sumuko at magpakita na kay San Bato o PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang mga sangkot sa iligal na droga kaysa maidiretso ang mga ito kay San Pedro.
By Judith Larino / ulat ni Aileen Taliping (Patrol 23)