Nakakasawa na ang paulit ulit na pagpapaliban ng barangay elections.
Ayon ito kay Senador Panfilo Lacson kasunod na rin nang paggigiit nitong ituloy na lamang sa oktubre ang halalang pambarangay.
Hindi rin nagustuhan ni Lacson ang tila aniya pagbibigay ng COMELEC o Commission on Elections ng dalawang linggong palugit sa Kongreso para magpasa ng batas kung ipagpapaliban o hindi ang barangay at SK elections dahil anuman ang maging pasya ng Kongreso, dapat ay gawin na lamang ng COMELEC ang trabaho nitong paghandaan ang nasabing eleksyon.
By Judith Larino / ulat ni Cely Bueno (Patrol 19)