Nakaalerto na ang National Capital Region Police Office sa banta umano ng ilang grupo na maghasik ng kaguluhan sa Metro Manila.
Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, batay sa natanggap nilang intelligence reports nagsanib pwersa umano ang mga dating miyembro ng notorious death squad na Alex Boncayao Brigade sa grupong Balik Islam.
Patuloy aniyang mino-monitor ng Philippine National Police o PNP at Armed Forces of the Philippines o AFP ang mga nasabing grupo.
Ito’y upang maiwasan ang mga hindi inaasahang pangyayari sa ASEAN Ministerial Meeting sa Metro Manila, simula ngayong araw hanggang Linggo, Agosto 06.
Tinukoy ni Albayalde ang Maharlika Village sa Taguig at Baseco Compound sa Maynila bilang mga posibleng pamugaran ng ABB at grupo ng mga sinasabing nagpa-convert sa Islam.
By Drew Nacino