Tinawag na massacre ni Senator Leila de Lima ang ginawang raid ng mga miyembro ng CIDG o Criminal Instigation and Detection Group sa tahanan ng mga Parajinog sa Ozamiz City.
Ayon kay De Lima, hindi siya naniniwalang isang regular na police operations ang nangyari kung saan 16 ang nasawi kabilang si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr.
Aniya, ang nasabing raid ay paraan ni Pangulong Rodrigo Duterte para patahimikin ang mga naging kakampi sa pagpapatakbo ng mga grupo ng vigilante sa Mindanao.
Dagdag pa ng Senadora, ang madugong raid sa Ozamiz ay part 2 ng Kuratong Baleleng rub out na nangyari noong 1995.
By Krista de Dios