Patuloy na umaapela ang Malacañang sa publiko na pakinggan ang huling SONA o State of the Nation Address ng Pangulong Noynoy Aquino mamayang hapon.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, dapat tutukan ang talumpati ng Pangulo para mabatid ang mga mahahalagang programa at aksyon ng gobyerno tungo sa pagbabago, pagpapaunlad at pagpapatatag ng demokrasya sa bansa.
Kasabay nito, muling umapela ang Malacañang sa mga protester na pairalin ang kaayusan sa pagpapahayag ng saloobin.
Samantala, posibleng abutin ng isa’t kalahating oras ang speech ni Pangulong Noynoy aquino sa kanyang huling State of the Nation Address, sa Batasan Pambansa, Quezon City.
Ayon sa source ng DWIZ, ilalahad ng Pangulo ang buod o summary ng mga nagawa ng kanyang administrasyon sa nakalipas na limang taon.
Karamihan din sa mga nilalaman ng draft speech ay may kaugnayan sa tuwid na daan tulad ng anti-corruption campaign at infrastracture projects ng Aquino administration.
Inaasahan din na anumang araw mula ngayon ay i-anunsyo na ng Pangulo ang i-eendorso nitong kandidato sa 2016 Presidential election.
By Judith Larino | Drew Nacino