Niresbakan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa naging pahayag ng dating Pangulo na walang pagbabago sa anti-drug campaign ng Duterte administration.
Sa kanyang talumpati sa ika-113 anibersaryo ng BIR o Bureau of Internal Revenue sinabihan ng Pangulo ang dating Pangulong Aquino na huwag magkamaling pumasok sa illegal drug trade dahil tiyak na puputulan niya ito ng ulo.
Hindi naitago ng Pangulong Duterte ang pagkainis sa naging pahayag ni PNoy at sinabing ang mga heneral na aide nito at ng talunang presidential candidate na si Mar Roxas ay konektado sa illegal drug trade.
Ayon pa sa Pangulo ang mismo aniyang mga bata nilang si Retired General ngayo’y Bantayan, Cebu Mayor Vicente Loot ay sangkot sa operasyon ng iligal na droga.
By Judith Larino / ulat ni Aileen Taliping (Patrol 23)