Natigil pansamantala ang biyahe ng tren ng Philippine National Railways o PNR dahil sa binahang riles sa bahagi ng Paco Station.
Alas-7:37 kaninang umaga nang makansela ang biyahe mula Tutuban patungong Alabang dahil hindi madaanan ang riles sa Paco Station bunsod ng pagbaha.
Ayon sa PNR, kinakailangang itigil ang pagbiyahe ng kanilang mga tren para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero.
Makalipas naman ang mahigit isang oras ay humupa na ang baha at naibalik din sa normal ang biyahe ng mga tren ng PNR.
By Ralph Obina