Patapos na umano ang bakbakan ng militar at grupong Maute-ISIS sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon kay AFP-Western Mindanao Command at Task Force Marawi Spokesperson, Captain Joan Petinglay, nasa critical stage na sila ng opensiba at sa pagitan na lamang ng mga gusali nagaganap ang sagupaan.
Gayunman, hindi aniya sila nagpapaka-kampante lalo’t tila hindi sumusuko ang mga kalaban.
Samantala, umakat na sa isandaan labing-anim (116) ang nalagas sa panig ng mga tropa ng gobyerno o nasa animnaraan animnapu’t dalawa (662) na ang namamatay sa mahigit dalawang buwang bakbakan sa Marawi.
By Drew Nacino