Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang Davao Occidental kaninang madaling araw.
Ayon sa PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology, natukoy ang sentro ng lindol sa layong dalawandaan at tatlumpu’t dalawang (232) kilometro timog ng Sarangani.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na tatlumpu’t apat (34) na kilometro.
Wala namang inaasahang napinsala o aftershocks sa naturang lindol.
By Ralph Obina