Sinimulan na ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang paghahanda para sa pagsasara ng Payatas dumpsite.
Ayon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, maliban sa dagdag na gastos, mahabang oras rin ng biyahe ng mga truck ng basura ang kanilang pinaghahandaan.
Naranasan aniya nila ito nang pansamantalang magsara ang Payatas dumpsite nitong nakaraang linggo dahil sa malakas na mga pag-ulan.
Kabilang target nilang pagtapunan ng basura ang sanitary landfill sa Rizal at sa Vitas sa Tondo Maynila.
Matatandaan na isang bahagi ng Payatas dumpsite na pinatatakbo ng lokal na gobyerno ang matagal na ring ipinasara ng DENR o Department of Environment and Natural Resources, samantalang ang nakatakdang magsara at mapupuno na pagsapit ng Disyembre ngayong taon ay pinatatakbo naman ng isang pribadong kumpanya.
“Ang sitwasyon is that hindi na muna tinitignan doon sa per kilometer cost kundi doon sa pagbalik nung truck, kung magtatapon sa Montalban o Rodriguez Rizal, within 2 to 3 hours makakabalik na agad yung truck, ‘pag punta niyan sa tapunan, pipila pa yan, magtatapon tapos babalik, so mga 2-3 hours makakabalik na yan, kapag doon sa Vitas between 5 to 8 hours makakabalik ang truck, so ang service mabagal, ang masakit nito ang nangyayari sa atin, 2 days nang delayed, na hindi nakakakolekta.” Pahayag ni Bautista
By Len Aguirre | Ratsada Balita Interview