Inanunsyo na ni dating heavyweight world champion Wladimir Klitschko ang kanyang pagreretiro.
Isinabit ni Klitschko ang kanyang boxing gloves na mayroong record na 64 wins at 5 losses.
Naagaw ang titulo ni Klitschko nang talunin ito ni Tyson Fury noong 2015 at bigo nang mabawi ang WBA at IBF belts nito noong Abril matapos naman siyang talunin ni Anthony Joshua sa 11th round via technical knockout.
Ayon kay Klitschko, nakamit niya nang lahat ang kanyang mga pinangarap noon bilang amateur at professional boxer.
Dahil sa pagreretiro ni Klitschko, bukas na ngayon ang heavyweight scene sa boksing.
By Ralph Obina