Hiniling ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption sa Korte Suprema na bigyan sila ng kopya ng mga kaukulang dokumento.
Ito’y may kaugnayan sa inihain nilang impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Personal na inihain ni Atty. Manuelito Luna, isa sa mga abogado ng VACC ang kanilang request letter sa high tribunal.
Culpable violation of the constitution at betrayal of public trust ang naging batayan ng reklamo ng VACC laban kay Sereno dahil sa mga kuwesyunableng desisyon nito na hindi dumaan sa Supreme Court En Banc.