Posibleng hindi makakasalang si Junemar Fajardo sa laban ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup.
Ito’y matapos ibunyag ni Fajardo na mayroon siyang calf injury o pinsala sa kalamnan ng binti.
Noong Miyerkules ng gabi, sinabi ni Fajardo na parang may ‘cramps’ siya matapos tanungin ng mga mamamahayag kung bakit hirap ito sa paglalakad.
Subalit, ayon kay SMB Governor Robert Non, makaraang suriin ng isang doktor si Fajardo ay pinayuhan ang 6-foot-10 giant na magpahinga muna dahil sa kanyang calf injury.
Nangangahulugan na hindi ito makakasama sa kampanya ng Gilas sa FIBA na magsisimula sa susunod na linggo sa Beirut.
Nilinaw naman ni Fajardo na kahit hindi siya makakalaro ay sasama pa rin siya sa biyahe ng national team sa Lebanon.
By Gilbert Perdez