Patay ang dalawa (2) katao matapos sumablay ang isinagawang emergency landing ng isang eroplano sa Portugal.
Ayon sa National Maritime Authority, kabilang sa mga nasawi ang isang 8-taong gulang na batang babae at ama nito sa naganap na aksidente sa Lisbon habang hindi naman nasaktan ang dalawang sakay ng eroplano.
Nagsa-sunbathing lang umano ang mag-ama, kasama ang maraming iba pa, sa isang beach nang mangyari ang trahedya.
Sinasabing bahagyang nasira ang kaliwang pakpak ng isang cessna plane kaya’t nag-emergency landing ito pero nasagi naman nito ang mga taong naliligo sa beach.
Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa naturang aksidente.
By Gilbert Perdez